REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES AND TECHNOLOGY
Center of Excellence in Fisheries
Isinagawa ngayong Agosto 28 sa ZSCMST Dome ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Layunin ng pagdiriwang na higit na maitaguyod ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino at maipakita ang mahalagang papel nito sa makabagong pananaliksik at pagkatuto. Tampok din sa programa ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang makabagong kasangkapan sa paghahanap, pagsusuri, at pagtuklas ng impormasyon.
Sa pagsasanib ng wika at teknolohiya, binibigyang-diin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng impormasyon sa patuloy na umuunlad na makabagong panahon.
Wikang Filipino: Katuwang sa pananaliksik, kaagapay sa pagtuklas ng kaalaman.
Isinulat ni: Joseph E. Espinosa , Kalihim ng MSF
#WeAreZSCMST
Chat us on Facebook Messenger, ZSCMST ICT.