REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
ZAMBOANGA STATE COLLEGE OF MARINE SCIENCES AND TECHNOLOGY
Center of Excellence in Fisheries
Ipinagdiwang ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST) ang Buwan ng Wika na may temang โAng Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ noong Agosto 29, 2025 sa ZSCMST Gymnasium. Ang programa ay pinangunahan ng Makabagong Samahang Filipino at aktibong nilahukan ng mga mag-aaral.
Sa mensahe ng Vice President for Academic Affairs, Dr. Rachel D. Lauriaga, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng selebrasyon. Ayon sa kanya, โNapakahalaga ng pagdiriwang na ito sapagkat ito ay nagpapakilala at nagpapahalaga sa wikang Filipino. Simbolo ito ng pambansang pagkakakilanlan at daan din ito sa pagkilala sa kontribusyon ni Manuel L. Quezon na siyang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Ang layunin ng selebrasyong ito ay hikayatin ang mga Filipino na gamitin at ipagmalaki ang sariling wika sa araw-araw na komunikasyon.โ
Ang pagdiriwang ay nagsilbing paalala ng kahalagahan ng pagtitibay sa wikang Filipino bilang pundasyon ng pagkakaisa.
#TogetherWeCan
#WeAreZSCMST
Chat us on Facebook Messenger, ZSCMST ICT.